Sa
isang bayan sa malayong katimugan nakatira ang mga taong may pambihirang
katangian. Sila ang mga taong nabiyayaan ng lakas na higit pa sa normal na tao.
Karamihan sa mga ito ay marunong lumipad. Ang iba naman ay mabilis tumakbo. May
mga nakakabasa ng isip at may mga kayang mawala sa paningin ng tao. Bawat tao
iba-iba ng katangian. Bawat tao kanya-kanya ng lakas. Lahat sila ay pinagbuklod
ng isang hangarin iyon ay makatulong sa kapwa.
Ngunit
may isang bata sa malayong bayan sa katimugan ang ipinanganak na tila kakaiba
sa lahat. Siya si Morgan ang batang sa edad na sampu ay hinding-hindi pa rin
nagpapakita ng kahit anong uri ng lakas na higit pa sa kakayahan ng normal na
tao.
Normal
sa mga batang nakatira sa bayan na iyon ang makitaan ng pambihirang kakayahan
sa edad na limang taong gulang. Iilan lamang ang mga batang tulad ni Morgan na
inabot na ng edad na sampu ay hindi pa rin kinakakitaan ng abilidad na higit pa
sa kakayahan ng isang normal na tao. Naging sanhi rin iyon para maging tampulan
si Morgan ng tukso ng mga bata. Dahil doon ay kakaunti ang naging kaibigan si
Morgan.
Tuwing
hapon ay nakaugalian na ni Morgan na pumunta sa bundok kung saan nakatira ang
dating pinakatanyag na superhero, si Tatang Inyo.
Si
Tatang Inyo ang may pinakamatalino na pag-iisip sa buong bayan noong panahon
niya. Lahat ng suliranin ay kaya niyang solusyonan. Siya ang naging takbuhan ng
mga taong hindi malaman ang gagawin sa bigat ng kanilang suliranin. Ngunit,
isang daang taon na ang lumipas mula ng mga panahong iyon. Kaya ang dating
pinakamatalino ay ngayon ay simpleng tao na lang na nakatira sa bundok.
Sa
araw-araw na pagpunta ni Morgan sa bahay ni Tatang Inyo ay lagi siya nitong
kinukwentuhan tungkol sa mga problemang sinusulosyunan nito. Si Tatang Inyo ang
naging idolo ni Morgan. Kahit na kapalit ng mga kwento ay ang ipag-igib si
Tatang ng tubig.
"Balang
araw mas hihigitan ko pa si Ka Enyo. Lilipad ako at lilibutin ko ang buong
mundo habang sinasagip ang lahat ng taong nangangailangan. Magiging mas matalas
pa sa pandinig ni Aling Angela ang tenga ko. Maririnig ko lahat ng klase ng
hinaing ng tao at isa-isa ko silang tutuparin! Mas magiging mabilis pa sa takbo
ni Totong Bilis ang mga paa ko sa tuwing tutulong ako sa mga tao," nangangarap
na sabi Morgan kay Tatang Inyo.
Tumawa naman ang matanda sabay sabing, "Hamo, ikaw ay
lalaking isang magaling na superhero at magiging tagapagligtas ng lahat."
Nabuhayan
pa lalo ng loob si Morgan at nangarap pa.
Lumipas
pa ang panahon hanggang isang umaga ay nagising na lang si Morgan na nakalutang
mula sa kanyang higaan. Nanlaki ang kanyang mga mata. Sa wakas heto na ang
pinapangarap niyang kapangyarihan. Mabilis siyang lumipad sa langit. Doon ay
nagsasayaw at nagsisigaw siya sa tuwa. Tiningnan niya ang lahat ng tao. Sinuyod
ang buong lugar at naghanap ng kauna-unahang tao na magagawa niyang
tulungan.
Agad
niyang nakita ang isang kalabaw na may hila-hilang kariton na pinaglalagyan ng
mga itlog sa kabilang bayan. Mabilis na nilapitan ni Morgan ang lalaking
nakasakay sa kalabaw.
"Kuya,
kailangan mo ba ng tulong? Gusto mo bang mas mapabilis pa ang paghila sa
kariton?" tanong ni Morgan sa lalaki.
"Aba'y
siyempre naman! Mas mapapadali ang trabaho ko kung ganoon!" mabilis na
tugon ng lalaki.
Itinali
ni Morgan ang kariton sa kanyang baywang at lumipad nang mabilis. Ngunit
napasobra ang kanyang bilis kaya nabasag ang mga itlog na nasa loob kariton.
Nagalit ang lalaking may ari ng kariton at itlog. Galit na pinaalis nito si
Morgan.
Malungkot
na umalis si Morgan. Muli siyang lumipad pataas at doon ay malungkot na
tumunghay sa mga tao sa paligid. Nakita niya ng isang babae na hindi makatawid
sa isang tulay na yari sa kahoy at lubid. Lumapit siya sa babae at nag-alok ng
tulong.
"Ginang,
gusto mo ba ng tulong? Maari kitang tulungan makatawid sa kabilang dulo,"
saad ni Morgan.
Agad
na tumango ang babae bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Morgan. Hinawakan ito ni
Morgan sa baywang saka lumipad pataas. Sa una'y dahan-dahan ang ginawang
paglipad ni Morgan. Ngunit agad niyang binilisan pagdating sa ere. Agad na
natakot ang babae at nagpumiglas sa pagkakahawak ni Morgan. Nagulat si Morgan
kaya muntikan na niyang mabitawan ang babae. Ligtas naman silang dalawa
na nakarating sa kabilang dulo pero sa halip na pasasalamat ang makuha ni
Morgan mula sa babae ay nagalit pa ito kay Morgan.
Dahil
sa mga nangyari ay mas naguluhan si Morgan. Umiiyak na mabilis siyang lumipad
pabalik sa bahay nila kung saan nakita siyang lumilipad ng mga kakilala
niya. Tinawag pa siya ng mga ito pero hindi niya pinansin. Mabilis siyang
nagkulong sa kanyang kwarto at doon ay umiyak nang umiyak.
Lumipas
ang mga araw at unti-unti nang nakikihalubilo si Morgan pero hindi na siya
muling lumipad.
“Ang
galing ko! May mama akong tinulungan kanina! Nawawala ang kanyang singsing.
Gamit ang napakalinaw kong paningin ay hinanap ko ‘yon sa damuhan!” masiglang
kwento ni Aya isa sa mga kababata ni Morgan.
“Sus,
madali lang naman ‘yan. Kahit sino kayang hanapin ang isang singsing sa
damuhan. Ikaw ba, kaya mo bang magdala ng sulat sa kabilang bayan sa loob
lamang ng limang minuto?” pagmamalaki naman ni Albert ang batang may
pinakamabalis na paa sa lugar nila.
“Malamang
ikaw lang ang may kaya noon! Ikaw ang pinakamabilis tumakbo sa atin, eh. Kung
suntukan na lang tayo? Manalo ka kaya?” sabi naman ni Entong ang pinakamalaki
sa magkababata at ang pinakamalakas sa kanilang lahat.
Malakas
na umihip ang hangin at nakawala sa kamay ni Albert ang kanyang lobo na sumabit
naman sa puno ng niyog.
“Morgan,
hindi ba nakakalipad ka? Kunin mo ‘yong lobo,” suhestiyon ni Aya na agad
sinang-ayunan ng mga kasama nila.
Mabilis
na dinapuan ng takot si Morgan. Natakot siya na baka tulad ng mga nauna niyang
tinulungan ay hindi maging maganda ang kalalabasan ng gagawin niya. Baka sahalip
na makatulong ay makaperhuwisyo pa siya.
Unti-unti
ay lumipad si Morgan. Mabagal ang pagtaas niya sa lupa. Kung kumilos siya ay parang
puputok anumang oras ang lobo. Mabagal niyang inabot ang tali ng lobo ngunit
bago pa man niya mahawakan iyon ay umihip ang malakas na hangin. Dahilan para
liparin ang lobo palayo kay Morgan.
“Ay!
Wala na! Habulin mo, Morgan!” malakas na sigaw ni Aya.
Nagulat
si Morgan sa sigaw ni Aya. Kumuyom ang kanyang mga kamay. Hindi na naman niya
nagawang tumulong nang maayos. Palpak na naman ang ginawa niya.
Sa
halip na habulin ang lobong nilipad ng hangin ay lumipad nang malayo si Morgan.
Mabilis ang kanyang ginawang paglipad. Kasabay ng malakas na paghampas ng
hangin sa mukha niya ay ang paglandas ng kanyang luha.
“Hindi...
hindi ko kayang maging superhero,” mahinang iyak ni Morgan.
Dinala
siya ng kanyang kapangyarihan sa isang maliit na bahay sa bundok. Ilang araw ng
hindi pumupunta sa bahay na iyon si Morgan kaya nagtaka siya nang makitang puro
kalat ang paligid. Pinunasan niya ang kanyang pisngi.
“Tatang?”
mahinang tawag ni Morgan sa pangalan ni Tatang Inyo. “Tatang? Nasaan kayo?”
Nilibot
ni Morgan ang bahay. Ang dating maliit pero malinis na bahay ay puno na ng
kalat ngayon. Maraming hugasin ang nakatambak sa lababo. Ang mga halaman naman
sa likod ay natuyuan na. Tila ilang araw na itong hindi nadidiligan. Pinuntahan
ni Morgan ang kaisa-isang silid ng bahay pero wala pa rin doon si Tatang Inyo.
Muli ay naiyak ang batang si Morgan. Maya-maya lamang ay nakarinig siya ng tao
mula sa likod bahay. Agad siyng tumakbo papunta doon at nakita si Tatang Inyo.
“Tatang!”
mabilis na tumakbo papalapit si Morgan at niyakap ang matanda.
Tatawa-tawa
namang yumakap ang matanda kay Morgan.
“Morgan!
Ilang araw kang hindi napandaan dito, ah? Balita ko pa’y may kapangyarihan ka
na? Kamusta na ang superhero ko?” Yumukod si Tatang Inyo para mas makita ang
mukha ni Morgan na mas itinago naman ng huli.
“Hindi
po ako superhero, ‘Tang. Imposible pong maging superhero ako,” malungkot na
sagot ni Morgan sa lahat ng tanong ni Tatang Inyo.
“Wag
mong sabihin ‘yan,” tutol ni Tatang Inyo.
“Pero
totoo po iyon, Tatang. Lahat po ng tinutulungan ko ay napapahamak. Hindi naman
po ako nakakatulong.”
“Sigurado
ka ba?” naninigurong tanong ni Tatang Inyo na agad na tinanguan ni Morgan.
“Bakit
hindi mo tingnan ang paligid mo ngayon, Morgan? Anong masasabi mo sa bahay ko
ngayon?”
Nangunot
ang noo ni Morgan sa tanong ni Tatang Inyo pero sumagot pa rin siya.
“Marumi
po. Hindi katulad ng dati.”
“Ang
tagal mo kasing nawala kaya naging makalat ang bahay ko. Kaya malaking tulong
ka sa akin, Morgan. May kapangyarihan man o wala ikaw ang superhero ko.”
Natigilan
si Morgan sa sinabi ni Tatang Inyo.
"Ngunit
Tatang, wala po akong kapangyarihan noon
para tulungan kayo--"
"Hindi,
Morgan," putol ni Tatang Inyo sa sinasabi ni Morgan. "Hindi kailangan
ng kapangyarihan para tumulong. Hindi malalakas o mabibilis lang superheroes.
Ang superheroes ay ang mga taong tumulong sa abot ng makakaya nila."
Wakas
Ang akdang ito ay kalahok sa Saranggola Blog Awards 8 http://www.sba.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento